New Home

13 06 2006

Maliban sa pagkakatul ko noong trese anyos pa lang ako [kasinungalingan.  disisais na akong nagpatuli], isa pa sa liberating experience ko ang unang araw sa trabaho dito sa Maynila.  Sakay ako ng dyip mula sa tinutuluyang boarding house sa Sta. Ana papuntang Boni, tapos bus mula Boni papuntang Makati Avenue papuntang Exchange Building.  New joiner ang tawag sa unang pasok naming mga bagong recruit.  Para akong batang bagong tuli ulit sa excitement.  Tuwang tuwang nilalanghap ang polusyon mula sa tambutso ng dyip at makipagsabayan maglakad kasabay ng iba pang yuppies sa Makati na suot ang bagong leather shoes at bagong kula na puting polo.  Kala mo big time na din ako.  Gayang gaya ko din ‘yung paglalakad na komang ng mga Tsinoy businessmen habang pinag-uusapan nila kung ilang stock shares ang bibilhin.    

Bagong mundo ito sa ‘kin.  May mga bagong salitang dapat intindihin.  City Service ang tawag sa mga taga timpla ng kape at orange juice.  
Nakipagkilala din ako sa mga new hires.  ‘Yung isa, binati ko at sinabi kong may  kamukha siyang artista, si Bitoy.  Ang sabi, ”Bitoy who?” na parang nainsulto pa. Hindi nila kilala si Michael V samantalang kadulu-duluhan ng liblib na baryo namin nakakapanood ng ‘Yari Ka!’. 
Tagalog kami sa bahay pero parang ‘lost in translation’ ako dito.  Pag bagong gupit, ang sinasabi ay bagong tasa.  Inuuto talaga ako ng mga kasama ko.  Ano ‘yun, ulo tapos ginamitan ng sharpener?  Ang pekto sa amin ay tao, dito ay komang.  Ang banban sa amin ay masarap na isda na pinausok, dito ang ibig sabihin ay di marunong mag-shoot ng basketball.  At pag sinabi nilang ‘Nakain ka na ba?’, hindi rumerehistro sa utak ko.  Sabi ko na lang, ‘Hindi ako nakain.  Buong buo pa ako, sinong kakain sa akin? Whatta promdi me.




I’m Free Like My Birdie

13 06 2006

Aside from the time na natuli ako nuong trese anyos ako, isa pa sa liberating experience ko ang first day to work dito sa Manila.  Sakay ako ng dyip from from Sta. Ana to Boni, and then bus from Boni to Makati Av papuntang Exchange Corner Building.  New joiner day ang tawag sa unang pasok naming mga new hires.  Para akong batang kumekerengkeng sa excitement na nararamdaman.  Ine-enjoy ko ‘yung moment na nakakalanghap ako ng polluted air sa wakas, at makipagsabayan makipag-briskwalking sa mga Makati professionals in their leather shoes and crisp white polos.  Parang big time na din ako.  Gayang gaya ko din ‘yung paglalakad komang ng mga businessmen habang nagdi-discuss sila kung ilang stock shares ang bibilhin.  Madapacking sheet, sa amin pinagtatawanan ang lakad komang, pero ito pala ang ’in’ na lakad sa mga elite.  

May mga bagong terms din na dapat aralin.  City Service ang tawag sa mga taga timpla ng kape at orange juice.  Sa probinsiya namin, hindi na iniinom pag malamig ang kape, dito ang tawag sa kapeng malamig ay frappucino.  At ang mahal pa.  Weird.   

Nakipagkilala din ako sa mga new hires.  ‘Yung isa, binati ko at sinabi kong may  kamukha siyang artista, si Bitoy.  Sabi ba naman, ”Sino’ng Bitoy?” na parang nainsulto pa. Hindi nila kilala si Michael V e kadulu-duluhan ng baryo namin e sikat na sikat ’yun.   

Tagalog ang typical conversation namin sa bahay pero parang lost in translation ako dito.  Pag bagong gupit, ang sinasabi ay bagong tasa.  Inuuto talaga ako ng mga kasama ko.  Ano ‘yun, ulo ginamitan ng sharpener?  Ang pekto sa amin ay tao, dito ay komang.  Ang banban sa amin ay masarap na isda na pinausok, dito ang ibig sabihin ay di marunong mag-shoot ng bola.  At ang kanilang filipino grammar men, mali mali.  Tinanong nila ako ng ‘Nakain ka na ba?’  Buong buo pa ako, sinong kakain sa akin.  Kulit. 





life isn’t fair, but it’s still good

3 06 2006

ubos na ang Red Horse.  meron pa ung sabaw ng papaitan na pulutan (amoy kilikili na laman loob ng kalabaw)  nagpapakiramdam kung sino next na bubunot ng wallet.  ayoko na bumunot kasi ung last round ako na taya.  kunyari makati ang betlog ko at magji-jingle muna.  pagbalik ko wala pa ring bumubunot.  no choice, kelangan tuloy ang saya, ako ulit taya.  life isn’t fair.