The Plain View Doctrine: Pag Walang Kita, Walang Ibidins

18 01 2007

Four months from now is the 2007 synchronized senatorial and local elections.  Parang beauty contestants din mga ‘yan.  Magkakaalaman na kung sinong may perfect smile, right packaging ang hinaharap, saka oozing with masa charisma.   

Nagsusulputan ngayon na parang kabute ang mga Comelec chickpoints.  Una, bad trip ka kasi dagdag bottle neck sa traffic.  Pano kung nasa deep concentration ka ng drinking while driving.  Matapon pa ‘yung drink mo, sayang pa.  Pero ang sabi ng batas, up to what extent can this people check the insides of your car?  Sabi ng Korte Suprema, puwede lang inspeksiyunin ang mga bagay bagay na kita ng mata.  Plain view doctrine ang tawag dun.  Ito ang paniniwala ng mga abugado at ng korte mismo to protect the rights of privacy.  Daminingopdis is, hindi sila pwedeng mangalikot ng ari ng iba.  Don’t touch my birdie, ika nga.  Bawal din ang ipabukas ang tsikot me, puwera na lang kung nagpauto ka sa mga pulis at pinaunlakan mong buksan.  ‘Yun, pwede silang mag-usisa ng laman ng iyong sasakyan.  Pero in ever rule, there’s always an exception.  Kahit ayaw mong buksan at may hinala silang may ginawa kang bad, tulad ng pagtatanan ng isang six years old, pwede nilang buksan ang kotse mo. 

In my opinion na hindi naman hinihingi, di ko ma-gets kung bakit di pwedeng ipabukas ang kotse kung ayaw ng may-ari.  Choosing between the right to privacy vs. national security, sa national security na ako.  Bakit hindi na lang hayaan na magkapkap itong mga pulis, tutal ganun din naman ang ginagawa pag pumasok sa mga malls.  Wala namang pinagkaiba ’yun.  Nakakabadtrip oo, ‘yung mga checkpoints because it’s a big inconvenience, but what the heck, mas importante ang mapangalagaan ang buhay ng tao kesa diyan sa priva-privacy na ‘yan.  Kasi kung pwede din naman palang di nila buksan, natural na hindi bubuksan ng may-ari ‘yung kotse.  Pwede silang magtago ng doobie sa ilalim ng passenger’s seat at kung sakaling mahuli man, hindi pa rin makukulong dahil hindi naman ito nahuli sa pamamagitan ng plain view lamang. 


Mga Tugon

Information