Kutis Manila, Kutis Arinola

6 01 2007

Anybody who has gone Manila and went back home to the prabins are told that they have a whiter complexion. (Kala mo naman totoo, binobola ka lang ng mga kamag-anak mong yan.  Mangungutang ’yan.  Ha ha!)   I don’t know where on madapacking sheet this urban tsismis came from.  Siguro ‘yung chlorine sa tubig ng Maynilad, o ‘yung palagiang pagpapalamig sa mga mall. 

Nakakaputi rin talaga sa Manila lalo na ’yung mga nakatira sa ilalim ng tulay saka estero.  Sa init ba naman ng temperature under the bridge, at ang mga noxious chemicals sa estero, e talo mo pa gumamit ng pinakamalakas na astringent para magbakbak ang balat mo at pumuti.  At ang traffic, men mamumuti ang mata mo sa pag-usad along EDSA.  Usong uso din dito sa Maynila ang mga facial spa saka dermabrasion churba.  Kung anu-anong pinaghalu-halung ingredients na parang putik (galing lang naman ’yun sa estero sa Tondo saka Pasay), tapos sasabihing mud spa.  Ilang oras na mababanat ang pagmumukha at unti-unting magka-crack ang old skin to reveal a newer one, parang molting stage ng mga anaconda.  ‘Yung dermabrasion,  para din lang silang gumagamit ng microscopic knives na pangtapyas sa mga old skin cells.  Kung nagtitipid ka, maraming papel de liha sa Handyman o Ace hardware, pwede mong ikaskas sa skin mo ng dahan dahan.


Mga Tugon

Information

2 responses

5 06 2007
BananaMatronix

di ka kasi lumalabas sa araw eh. mainit at madumi. so bahay, office, mall. tapos kung workaholic ka pa (as i’m sure you are dahil IT ka) nakikita mo lang ung araw kapag umaalis ka ng bahay at bibili ng lunch.

6 06 2007
badoodles

hahahaha! huli kong nakita ang araw nung april 14 [tandang tanda ko pa] sa puerto galera nung summer outing. ngayon di na. pagpasok madilim pa nakasakay na ako ng jeep. tapos pag uwi mga tem pm na, wala nang araw. di ko na nga alam kung saan lumulubog at sumisikat ang araw dto manila. nyehehe!